Saturday, 8 December 2012

Perks of Being A Wallflower: Tagamulat sa Lipunan



Ang sineng “Perks of Being a Wallflower” ay isang halaw ng Amerikanong kathambuhay na gawa ni Stephen Chbosky. Ang libro at ang pelikula ay parehong nasisilbing repleksyon ng mga kasalukuyang karumaldumal na kaganapang makikita di lamang sa lipunan ng Amerika, kundi pati na rin sa ating sariling lipunan. Bagamat na dramatikong komedya ang genre ng pelikula, hindi maiiwasang pansinin ang isyung pagpapatiwakal, kasariang diskriminasyon at pagrerebelde ng kabataan. Ang mga nabanggit na sitwasyon ay maaaring higit na nagpaudyok sa paglikha ng pelikula upang mas magkaroon ng kamalayan ang mga katauhan tungkol sa mga katotohanang ito.

Sa sitwasyon pa lamang ng pagpapatiwakal, maramihan na ang naririnig nating balita ng mga taong nagpapakamatay lalo na sa kabataan. Kamakailan lang ay may mga umiiral nang balita tungkol kay Jonah Ortiz, estudyanteng nagaaral ng Biology sa Unibersidad ng Sto. Tomas na nagpakamatay tulad na lamang ni Michael Dobson, ang natatanging kaibigan ni Charlie sa simula ng kuwento.


            Mababasa ang buong artikulo sa link na ito: http://www.abs-cbnnews.com/nation/metro-manila/11/12/12/student-killed-fall-ust-building-report

Habang lumilipas ang panahon, lalo pang rumarami ang bilang ng mga taong pinapatay ang kanilang sarili batay na lamang sa artikulong inilathala sa Philippine Daily Inquirer.



Malakas rin ang diskriminasyon sa mga bakla at tomboy sa ating bansa at tanyag bilang isang makasalanang gawain ito dahil sinasabing “labag ito sa mga kautusan ng Diyos.” Si Patrick at Brad, ang kapwa lalaking magkasintahan sa Perks of Being a Wallflower, ay maraming dinaanang pagsusubok dahil sa kanilang relasyon. Si Brad ay kabilang sa mga kilalang estudyante sa kanilang paaralan dahil siya ang “head quarterback” kaya’t laking galit ng kanyang ama nang matuklasan niya ang totoong hilig ng kanyang anak. Binugbog si Brad at si Patrick naman ay binugbog ng mga kaibigan ni Brad. Sa Pilipinas, hindi man madalas maririnig ang pisikal na pambubugbog sa mga bading, mayroon ding mga pagkakataong nakakaranas sila ng makadiawang pangaabuso. Ang hindi makatarungang pangaabuso na ito ang nagsilbing tagapag-udyok ng paglikha sa libro’t pelikula.


I-stalk ang bilang ng “likes”, “comments” at “shares” sa link na ito: http://www.facebook.com/photo.php?fbid=4645002877033&set=a.1563766808057.75670.1051960386&type=1&relevant_count=1

Sa litrato makikita ang dalawang lalaking Atenistang (Jake Jereza at Bardo Wu) pinaglalaban ang kanilang “sexual orientation” nang sila’y maghalikan sa harap ng mga taong tumututol sa kanilang pagkabading. Ang dalawang Atenistang ito ay di lamang gumanap bilang “Brad at Patrick” kundi pati na rin bilang si “Charlie,” ang bida sa pelikula. Sila ang mga inaapi (Brad and Patrick) at mga lumaban sa mga nang-aapi tulad ni Charlie na pinagtanggol si Patrick nang bugbugin siya ng mga kaibigan ni Brad.

Isa ring tagapag-udyok ang pagrebelde ng mga kabataan sa pamamagitan ng paggamit ng mga pinagbabawal na droga, paninigarilyo at paginom ng alak. Litaw sa Pilipinas ang mga isyung ito at rumarami pa ang bilang ng kabataang nakikibahagi sa ganitong paraan ng pamumuhay.



Pinapakita sa pelikula na tiyak na masaya gumamit ng mga pinagbabawal na droga ngunit ito’y delikado dahil hindi nakapagiisip ng mabuti ang sinumang gumamit nito. Nailarawan ang panganib ng mga droga sa eksenang si Charlie ay nakatulog sa “bed of snow” at nagising kinabukasan sa ospital dahil muntik niya na itong ikamatay.

Marami pang mga makikitang kamalian sa lipunan na sinasalamin sa pelikula tulad ng pangangalunya at sekswal na pangaabuso. Ngunit, ang pagpapatiwakal, kasariang diskriminasyon at pangrerebelde ng mga kabataan ang mga nangibabaw na tagapag-udyok sa paglikha ng pelikulang ito na nagtatagaly ng di lamang katatawanan kundi magagandang asal sa buhay.

No comments:

Post a Comment